Monday, September 14, 2015

Ang Dextrose

 Bagong dating ako ng bahay, bigla na lang akong sinalubong ng aking tatlong taong gulang na nagpakarga at mangiyak-ngiyak na nakaharap sa akin.

Nakita ko ang Kuya ko na may nililigpit sa kusina.Kumuha siya ng plato at kutsara at inilagay sa supot,may nilagay din siyang kanin at tubig sa supot.Habang kinakarga ko ang aking kapatid bigla siyang napangisi at kumunting halakhak nang makita niya si Ama.

Sabi ni Ama na magbihis na raw ako dahil hinihintay na  ako ni Inay.Matapos kong magbihis,binigyan niya ako ng pera at ipinabitbit sa aking ang supot na inayos ng Kuya ko kanina. Hinalikan ko ang aking kapatid at tuluyan ng umalis.

Pagdating ko, nakita kong ngumiti si Nanay at nagrereklamo na masakit na ang kanyang kamay at balak mag pa change-site. Pumunta kami sa Nurse Station at nang matapos na ang insertion sa kanyang dextrose sa kabilang kamay, bumalik uli kami sa Room 104 at pinakain ko siya. 

No comments:

Post a Comment